Wednesday, December 23, 2009

Me and my stupid bangs



That's how I look, me and my stupid bangs, ewan kun buhay pa yun gumupit nyan bwahahahaha
This coming December 6 will be our HS reunion, it has been 20 yrs since we graduated HS, go ahead start counting my age hahaha
Too bad will not be attending the reunion due to time and VL constraint.
I've been posting old photos from my HS days and Grace asked us what do we remember 20 yrs ago?
Well here are my fond memories of my HS days, feel free to write yours :)
CIA - our solid barkadahan/club, Thess was our President, basta lahat kami officers hahaha wanna know what CIA stands for?
bamboo - where we usually hang-out
my freshmen bus mates Cherry Ann and Josephine
mayumi bus super bagal talaga neto
benson candy habang antay ng bus
my classmates from section 121, 223, 323 and 422
my seatmates in my senior year Carol and Tess
my CAT classmates
CAT - Alpha, Bravo. Charlie, Delta, Echo, Fox ...patakda kad! Pulutong hinto na! *whew saya ket bilad sa init ng araw* sino nga un gwaping na officer? Sir Roque?
Ang malawak na field, how about the shaking cars alongside the field
The grandstand
Buko juice at the coop, I still remember this super cute boy when I was in freshman who wears glasses who used to buy buko juice, I think he looks like Harry potter
McDo drawstring bag na halos ata lahat e meron kaya nagkakapalit palit minsan
The mushroom shaped shades where we usually hang out waiting for the bell
my blue garterized neck tie - cramming to embroider the diamond shape before the school starts
low belts but not me, wala kc akong balakang
my long lustrous hair naks parang totoo
baha at heavy traffic sa Espana, Dapitan at Gov. Forbes
sizzling food at Janets
ice cream sa Magnolia house Recto
My friends grounded kc naglakwatsa sa SM City ng walang paalam, I was not grounded kc nasa Pque c Mama nun and we were still living at Sta Mesa with our pinsan, pero gigil c Kuya saken kc hinalughog nya buong UST looking for me hahahha
Ms Rosales kc inokray nya ko hahaha she compared me with my bro who is good in science nerd kaya yun hahhaha
SCA - praying the rosary and first Friday Mass (Kuya ask me to join the club relihiyoso kc un)
gala uniform, white long sleeves with super nipis na yellow neck tie ewww
sewing project 1 - d ko sukat akalain na imomodel pala ang tinahing damit, argh and I chose a fruity patterned tela yucks! tnx to Cherry Ann for helping me out on the project
sewing project 2 - apron arghhh nosebleed ako sa piping hahhaha gagamitin pala sa cooking class
typing class - we were asked to type a paragraph na korteng xmas tree without looking, masunurin ako d tlaga ako tumingin bagsak tuloy hahahaha
cooking class - tagahugas ng pinggan but I remembered we were among the top groups in the finals because of our outstanding presentation tnx to Grace! I still remember the makulay na sandwiches and the yummy calamari!
and remember when we were to cook kikiam ba or fishball and we forgot to mince the fish kaya dinikdik natin to the max un fish para madurog hahaha
our drama performance of Florante at Laura, I think I was tied on one of the trees sa garden
I played a devil in one of our skits so I had to wear tights na hiniram ko pa sa Mama ko who was into aerobics back then
Joseph the Dreamer!!! All of us in 422G contributed... from the props, music, costume, make-up etc. (i still have the photos back home)
Edsa Revolution when we were sophomores
volleyball - I suck then until now I still suck! hahhaha
Solid Ginebra!!!!! Jaworski 3 points! Michael Hackett and Billy Ray Bates
Leo Isaac was my biggest crush in Ginebra, Abby even gave me a photo of him
Don Don Ampalayo was rumored dead, and we cried
Ms Adri our boyish PE and Health teacher, I still can recall how she talked about the hotdog sandwich in a kinky way hahhaha
The HS diary which was only introduced in our senior year, apart from my doodles, nakasulat dun kun kelan laging walang pasok because of rally, strike, bagyo, etc.
Graduation ball na walang nag-attempt man lng na isayaw ako bwahahaha
Exchanging of sweet notes para sa slumbook
My one and only crush in HS, dawho? sikwet hahaha
So there...sabi nga ni Ate Shawie, Highschool life o my Highschool life every memory kay saya :)

Tuesday, November 3, 2009

Within our hearts

There was once a user from another subsidiary company that called me for help regarding his leave application in our system. He already knew that he's talking to a Pinay so he spoke in Tagalog. while I was looking into his problem, he asked if I would take a leave to go home this coming holidays, well I can't , because I have exhausted all my leaves. I can sense his excitement of going home for Christmas and his enthusiasm to file a leave earlier since most of his colleagues, which are mostly Pinoy engineers, are also eager to file their leaves. "Unahan ko na" from his owns words.
So I started getting nosy and asked him how long he's been here and true enough he only came here last March... so that's why! Usually when you're a first timer working overseas, right before leaving Pinas you've already planned your Christmas vacation or maybe even booked a ticket early on. Sensing that I was not a bit worried of spending Christmas here, he started to ask about how is Christmas here in Singapore, he heard it was not as festive in Pinas or in his own words "Hindi daw masaya ang Pasko dito" to which I replied "Wala sa lugar yan, kahit naman nasaan ka kun d ka tlaga happy e d hindi tlga happy" which he replied "Naks naman!" . Finally his leave application went through, hopefully it gets approved so I wished him luck before we bid our goodbyes.
I believe that happiness is within our hearts, ket san ka pa! *bow!*

Monday, June 29, 2009

Eulogy

I've been busy taking care of my mother's wake and burial and of friends and family visiting the wake that I am too exhausted to grieve. It was only on the last day of the wake that it sank on me that Mama is no longer with us. Though I've prepared myself for this since she was first diagnosed with her illness, I guess there is no such this as preparation when the final moment comes. The sadness is overwhelming, I miss her so much. It was my brother who delivered the eulogy as I can't compose myself to even utter a word.
This could have been my eulogy...
Una po sa lahat ang taos puso po naming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa amin mula pa nang magkasakit si Mama hanggang sa kanyang mga huling sandali. Marami po nagsasabi na survivor si Mama, totoo po iyon sa dami ng kanyang pinagdaanan na sakit makailang beses pong halos nasa bingit na sya. Last December po na magsimula ang pinakacritical na karamdaman nya, biglaan po at di namin inaasahan na halos wala na syang makilala ni isa sa amin. With God's grace and the prayers from our family and friends pinagkalooban pa po sya ng panibagong lakas para paglabanan ang kanyang karamdaman. Minsang nakakwentuhan ko po sya tungkol sa mga nangyari na di nya matandaan, napaluha po sya at sabay sabing "marami palang nagmamahal sa akin", oo naman ang sagot ko po sa kanya. Simula po noon ano mang sakit ng katawan o hirap sa pagkain ay pilit nyang nilalabanan para sa mga nagmamahal sa kanya. Pero napapadalas na po talaga ang mga daing nya, minsan po isang gabi na ako ang nagbantay ay di po sya mapakali, masakit daw po ulo nya, likod nya, tyan, binti basta daw po buong katawan, pag kaganito po ay minamasahe namin sya para maibsan ang sakit, habang minamasahe ko po sya ay bigla nya na lang po nyang tinaas ang kanyang mga braso, sabi ko bakit po Ma?, "yakapin mo ko", tulo po ang luha ko habang mahigpit ko syang niyakap, para bang lahat ng sakit ay mawawala sa yakap kong yon. Nang gabing yon, masakit po man sa aking kalooban ay itinaas ko na po ang buhay nya sa Diyos. Labis labis po ang aking pasasalamat sa Diyos at binigyan pa kami ng pagkakataon na makapiling pa sya ng mahigit anim na buwan . She finally found peace and was laid to rest. Isa po syang mabuting ina, asawa, anak, kapatid,at kaibigan... masayahin, mataray at palaban pero naguumapaw po sa pagmamahal. We'll miss you Ma and we will always love you.

 

Wednesday, October 29, 2008

Manalig ka

*from the archives 08/11/04* 

Kay dami nang luhang pumatak, pusong laging nanangis,


Hikbing umulinig, parang sirang plakang aking nadidinig


Napalayo man sa ibang bayan, tawag mo'y alang patid


Puno ng hinagpis sa iyong pusong lagi na lng nasasaktan.


Tanging maiaalay mga tengang dumidinig, katagang pakikiramay,


pagtahan mo ang siyang pakay. 


Di na mabilang kun ilan silang iyong iniyakan,


Mga hudas sa aking paningin, mapagsamantala sa iyong kahinaan,


Laging dasal na sana'y dumating na ang siyang sayo ay magpapaligaya,


Wagas na pag-ibig sana ay matagpuan mo na.


 


Sa araw na tinakda bakas na ang kaligayahan sa iyong mukha


Puno ka ng sigla,  wala nang bahid ng lungkot bagkus ay maaliwas na


Saksi ang lahat pati ang Maykapal sa inyong panunumpa


D ko mapigil mangilid aking mga luha, luha ng kagalakan


Pagkat sa araw na iyon ay natupad na, sa wakas ay natagpuan


Pag-ibig na wagas na syang iyong inaasamasam.


 


Sapat na yon para ako'y muling manalig sa sinasabi nilang wagas na pag-ibig


Di man dumating sa ngayon, maaring di rin bukas o sa makalawa, abutin man ng ilang taon


Basta ito'y darating sa bawat isa sa atin, sa takdang panahon... sa di inaasahang pagkakataon. *bow*

Thursday, August 7, 2008

NPA (No Permanent Address) Part 1







Haler friendsters namiss nyo ba ko? Pansin nyo puro part 1 lang mga kwento ko hahaha



Mag-8 years na ko dito sa Singapore at pang walong tirahan na din itong tinutuluyan ko. Sa bawat tirahan aking natuluyan, sari-saring kwento ang kaakibat, karamihan ay masasaya, meron ding super kakalerkei, , dun sa mga nakakarelate, naalala nyo ba ang kuwento ng patay na daga? ahihihi, anjan din ang kakunsumi-kunsumi (ang kuwento ng puting buhok), meron ding tampuhan, awayan, iwanan, balikan at layasan chorva (that's another story na d na dapat ungkatin pa) at meron din nakakatakot (ang mga kuwento from the beyond).



Gusto ko munang sariwain ang unang tapak ko sa Fine City. Masayang nakakaloka at malungkot na megadrama ang unang mga kabanata...



Imagine 3 beses delayed ang flight ko, mga 8PM e tumawag pa ko kina mader at pader, buong akala nila nasa SG na ko.  Susme nag-mamajong at nagtotong-its na sila habang ako ay maloka lokang nasa airport pa din. Sabi ko sa sarili ko isang delay na lng d na ko tutuloy baka ikako it's a sign, naks! Sa wakas natuloy din after a few Jollibee meals (un lng ang kayang ibigay ng PAL matapos kaming pag-antayin ), madaling araw na ako nakatapak ng SG.  Lekat kamahal pala ng taxi pag ganun oras. Siste pa nito un mga sumundo saken (you know hu u are guys and girlaluh?!?) e mas intersado pa sa Jollibee na dala dala ko, ang mas masakit pa nito e sa bundok ata ng tralala cla nakatira, dun sa makasaysayang Normanton Park (NP).  Punong puno ng pinoy dun kaya punong-puno din ng intriga nyahahhaha kun ano mga yan syer nyo yan nyahahahaha



Dahil nga katatapos lng ng Pasko nun mega-cry ako tlga ket puro boylets ang kasama ko sa room.  Kinaumagahan mega-kapit pa ko sa grills ng bintana habang tulo ang luha ko (parang c ate Shawie dun sa Bukas luluhod ang mga tala)



Eto isa pang eksena...



First mass ko sa SG sa Holy Spirit, montek na kong magbreakdown nun kinanta ang Ama Namin (Tagalog mass pa un) buti na lng anjan ang mga boylets para alalayan ako.  Pero nahimasmasan naman ako agad kc pinagtitinginan na nila ko sayang naman ang byuti ko baka mabansagan akong emotera, hmmm why not carry ko naman.



Nasundan pa ang mga eksenang ganyan dahil nga first time kong mawalay sa poder ng aking mahal na ina at sa napakalayong lugar pa ko napadpad.  Most of us, if not all of us have our own nakakalungkot na kwento about our first time here in SG bahala na kayo magkwento ng sarili nyo nyahahhaha



Makalipas ang ilang linggo dumating na ang payday, nagbago na ang ihip ng hangin, iba tlga nagagawa ng pera! Me pangdeposit na sa bagong tirahan kaya ayun at lipat naman ang byuti ko sa Bendemeer, may boylets din kaming kasama dun na nagpi-feeling binata kaya linggo-linggo gimik sa HardRock ang tropa. First time kong malasing sa SG, nagising na lng ako ng madaling araw na namimilipit sa sakit ng tyan.  Lahat ata ng kinain ko mula kamakalawa ay nilabas ko, halos kahandusay na ang byuti ko sa sahig pero walang kamalay malay ang mga kabahay ko na lango din gaya ko. Nang nahimasmasan ako e nilinis ko ang crime scene para alang ibidens nyahhahaha and I vowed never to get drunk again o ha! *echos*



Naranasan ko na din ang makalampas ng baba sa bus stop, nakarating ako sa teritoryo ng mga anaps sa Serangoon, gosh sandamakmak ang uwak sa paligid na putak nang putak na parang any moment ay pagpepyestahan nila ako, but I got home safe that night kahit na halos hubaran ako ng tingin ng mga anaps na nakatambay sa bus stop.  Me asim pa ko nun pwamis.



Sabi nila d bumabaha sa Singapore, pero maniniwala ba kayong bumaha sa flat namin, trully walang halong eklat.  Naiwanan bukas ang aircon sa sala na matindi pa sa shower ang buga ng tubig, kaya kinagabihan ang buong sala e bahang baha, syempre majoray ang lola nyo kaya kun sino un nakaiwan ng aircon (d boylets) ang pinaglimas ko ng tubig nyahahaha



Eto ang isang importanteng aspeto sa paninirahan na ndi dapat ipagwalang bahala, yan ay ang pagtira sa hindi-approved na HDB. Hindi approved parentahan kung hindi kasamang titira ang may-ari, pero marami pa din dito ang tumutuloy sa ganyan, sabi nga nila lakasan lang ng loob wag lang kayong mamalasin kasi bawal po tlga yan mga prenjies. Maraming kautangan ang may-ari ng bahay kaya samot saring threat na kesyo ise-sheriff ang bahay at kun anu ano pa ang natatanggap naming sulat, kaya natakot ang byuti ko, baka masumbong nga na ndi aprub at baka nga masheriff ang household kaya eskapo ulit ang byuti ko at balik sa NP.



hanggang dito na lang muna at abangan ang mga sumunod na eksena sa aking pagbabalik sa NP

Friday, February 1, 2008

Balentayms day *advance mode*

Pebrero na naman parang kelan lang e nasa Pinas ako at lumalanghap ng usok mula sa kahindikhindik na putukan nung bagong taon. Ang saya saya ng New Year, ket brownout pa nun. Kasama ko c pader na nanonood ng fireworks courtesy ng mga mayayaman naming neybors, habang panay sambit naman ni mader na tignan tignan daw at baka sa bubong namin bumagsak ang mga pasabog. Panic mode na nman si mader imbes na mag-enjoy sa putukan, hang-KJ! Haaay isang buwan na pala ang nakalipas, 11 months na lng new year na ulit bwehehehe. Patuloy naman ang selebrasyon dito dahil sa nalalapit na Chinese New Year, me putukan din at sandamakmak ang mga tao sa Chinatown na nagkukumahog sa pagbili ng bakwa. Pero kaalinsabay din ngayong Pebrero syempre ang araw ng mga puso. Huwaw love is in the air, is it? Kasabihan na ang pagyanig jan sa atin sa bandang Pasig at Sta. Mesa nyahahaha, pero d2 cguro e sa bandang Geylang yayanig har har har. Eniweys kun ikaw ay me kapuso araw mo to! pero kung ikaw e me kapamilya, tol! araw mo din to! ahihihi Pero sa isang girlaluh syempre wish mo din na makita ng madlang pipol na me dalang pumpon ng rosas habang nakasandal ka sa pinto ng MRT at habang c fafa e nakabarikada sayo nyahahahaha. Wish mo din me ka HHWW ka along Marina Bay or me kalabing-labing habang nakapila sa mga restaurants o sinehan. Wish mo lng tlga! Kaya kun me boylet ka, gurl now is the taym para magpatweetums para d ka mazero sa balentayms. Kung ikaw naman ay binata or nagbibinata, TP na yan! ahihihi Handa mo na lng ang mga dolyares mo para sa mga bebots. Pero kung alang prospek na boylet? alang anda para sa mga bebots? handa mo na ang popcorn at mag-marathon ka na lng ng Korean telenovela, mga frenjies lilipas din yan balentayms.



*Eto mamamakyaw na ko ng popcorn nyahahahaha*

Friday, January 11, 2008

Pinoy ako! - Kwentong balikbayan Part 1

Preparation:



Ilang gabi na kong d mapagkatulog, marahil dala ng excitement sa nalalapit kong pagbabakasyon. Parang dejavu ganitong ganito ko nun unang uwi ko Pasko taong 2001. Grabe 2008 na pala!



Biyernes Dec 22, ang takdang araw...nagawa ko pang maglast minute shopping! Sige lng sa pag-eempake, pakiwari ko namaster ko na to, sa isip isip ko d na ako ma-excess. Last minute check ng email...nagulantang ako sa paalala ng FilAir, please be there by 8PM, orayt! patawa ba cla e 12:30 AM ang flight ko. Sabagay naisip ko ang mga sismis na kumakalat na na-overbook daw ang mga flights dala na rin cguro sa dami ng nagnanais umuwi at isama na tin siguro ang pagsasamantala ng mga kinauukulan. Mahirap na nga naman kung maaberya pa ko.



Departure:



Nakarating ako sa budget terminal mga 9PM, me pila na kahit d pa nagbubukas ang counter. Napilitan na clang magbukas dahil lalampas na ang pila sa labas ng terminal. D na bago ang mga higanteng hand-carry luggage, kun makakalusot nga nmn diba, y not? chocnut! So ayun na nga isang pamilya ang nakipagtalo sa yalam na countergirl, para wala nang kesyo kesyo ayun at pinalusot na din, swerte ko na din kasi sa inis ata ng yalam ket excess ang mga bagahe e go na lng ng go. Excess ata ako ng 3 kilo pero winner un nasa unahan ko na 4 ata ang hand-carry! Dahil nga napaaga ako e sangbundok ang pagkainip ko.  Mga 1 hr ata b4 boarding e namataan ko nang madaming pumipila sa boarding gate kaya ayun go na rin ako sa pagpila. Nun nagpapapasok na etong c ate e naliligaw ata, d nya daw alam kun tamang sa left o right sya pumila, sa left kc un mga seats bandang harap at sa right un sa bandang likod. Tinanong ko un seat number nya, "26 eh" tugon ni ate, sabi ko ako ay 25A at sabi nya agad tabi daw kami, hehehe. Pinaliwanag ko kay ate na tama ang pila nya at d kami tabi kundi sa likod ko sya uupo hehehe. Me dala syang stroller kaya nauna na ko sa kanya, agad akong nakaupo at aliw na aliw na pinapanood ang ating mga kababayan na nagsasalansan ng mga bagahe sa cabin. Iba tlga ang Pinoy! Isod dun, patong dun, ikot dun, napagkasya naman talaga ang mga higante at sandamakmak na luggage. Eto na c ate na parang naliligaw na naman, upo agad sya sa 26D, naturalmente pinalayas sya, ano ba numero mo tanong ng girlaluh, "26 eh", ay dun ka sa kabila, so ayun c ateng at lumipat sa likuran ko. Dumating etong c kuya, miss anong number mo tanong nya kay ateng, "26 eh" sabay pakita ng boarding pass. "Dun ka sa kabila!" sabi ni kuya.  Napakamot ng ulo c ateng, "San ba ko tlga? e pinaalis ako dun"  Pero sumunod namn sya at dahil pinakita nya sa girlaluh ang boarding pass e napaupo na sya sa tama nyang kalagyan, 26E po pala c ateng. Pero eto ang winner na tinuran ni kuya, na d ko sure kun nadinig ni ateng "D ka ba marunong mag-alphabet? "A B C D E" sabay tawanan cla ng kanyang prenjie. Tsk tsk tsk.



Arrival:



Ala naman aberya at agad kong nakuha ang aking mga bagahe kaya tuloy tuloy na ko sa paradahan ng taxi. Dahil nga sa ilang gabi na kong puyat at syempre pagod ako at madilim dilim pa ang kapaligiran ay minabuti kong manahimik na lng kahit natataranta etong c bosing driver na makailambeses akong inikot sa airport. Kelangan daw ng parang resibo na hindi naiabot sa kanya, nagkagulo gulo din sa usapang walkie talkie kaya d malaman kun san nya kukunin. Panay nmn ang paumanhin ni bossing. "Ma'am ok pa kayo?" "OK lng" matipid kong sagot. Makulit tlga at panay ang tanong at daldal ng hitad kaya nakipagkwentuhan na lng ako sa kanya. Syempre andun ang boladas nya nun nalaman nya ang edad ko, na single pa ko at available, sayang daw ang ganda ko na d ko nmn kinontra nyahahaha. Inintriga din ako ng hitad na marahil daw ay sugatan ang aking puso kaya minabuti kong mangibang bansa. Syempre showbiz ang sagot ko, "No Comment" hahaha  Ako nmn ang humirit at inusisa ko ang buhay driver at pati na rin ang kanyang personal life. D ko pa man hinaharap ang salamin ni Kuya Boy e humirit na sya ng litanyang "Kung maibabalik ko lng" , mukhang problemado c bossing sa kanyang buhay may-asawa. 27 lng sya kaya sabi ko e siguro d pa sawa sa pagkabinata na agad nya nmn kinontra, dahil feeling nya e c misis ang immature. E ganun pala d ikaw na lng umintindi sabi ko. "Ganun na nga po Ma'am" ang tugon nya na medyo half-hearted hehehe.  Andun din ang hinaing sa kakarampot na kumisyon sa pagmamaneho ng airport taxi na halos sa ahente daw lahat napupunta. So parinig ba yan para bigyan ko sya ng malaking tip? Pabibo tlga c bosing, wlang kgatol gatol na "Kayo na po bahala" ang sagot nya. Kaya ayun at pinamaskuhan ko na nga. Sa wakas I'm home! First meal ang super juicy hotdog at sinangag yum yum! at dahil simula na ng buhay reyna, umidlip muna ko pagkatapos kumain.