Thursday, October 25, 2012

Noh nanyare?

dami kasing blog, feeling ko naman kaya ko tlga i-update lahat  ;)

habang busy sa kaka i-message naglitawan ang mga "emoticons"
auntie: san nakukuha yan emoticons?
gurl: Sa NTUC meron, sale ngayon

nyahahaha taray ni gurl!


on a side note, naalala ko un amo kong anaps tawag nya dito ay "emotions" HUWAAAAAT?
nyahahaha

laugh trip!

bukas ulit =)

Thursday, June 21, 2012

Thursday, June 14, 2012

Friday, January 13, 2012

Boy Pick-up

Para kang c boy pick-up, walang sense ang mga sagot mo sa mga tanong ko! hmmmp $@#!@*%

Monday, August 1, 2011

Bakit nga ba?

wala ako sa mood magtrabaho  kaya sinubukan kong linisin ang yahoo inbox ko, syempre binalikan ang mga  nakalipas at eto ang isa sa mga nahalukay ko
--------
BAKIT "SINGLE" ANG STATUS MO

Kaya heto ako at sasabihin ko sa inyo ang ilang mga rason kung bakit.

11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para
pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayannn... kapapanood
nyo ng
"Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa
kanila
such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is
useless.

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging
kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi
lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw,
gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama
mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa
panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling
ka pero deadma parin yang stunts mo sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba
talaga kuya?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung
tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6
hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call
center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na
niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan
para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special
friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang
mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship
na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata,
kunyari happy sya for friendship. ABA! Oi lakasan mo ang loob at baka
mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho
kayong naghihintayan. . hmmp!

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang
nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng
mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa
noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na lang
basta no strings attached. For fun lang daw... Walang halong seryosohan. ABA
hoy! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka
rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang
nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap.
Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung
amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka,
nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin
na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o
kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang
ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon
para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time
mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang
ng sugod.

3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o
pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw
ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin
ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na
nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo.
Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa
ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil
sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na
ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman
iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!, ano pa ba?
Madami yan wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears heheh
Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo. Ibat iba ang lasa ng
pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba mapalad
ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya ikaw, Do not be afraid to
fall in love again malay mo sweetness na ang malasahan mo next time. E
di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo! Yan ang bumubuhay sayo,
ang pag-ibig. tsk! drama!

1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May
ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin
makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat
ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't
isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him/her na, pero
pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the
past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang
nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa
ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX.
Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero
open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain
someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give yourself a KITKAT, take a
break.

Thursday, July 21, 2011

Deserving

Sa dami ng tao sa mundo, ndi mahirap humanap ng taong pwedeng mahalin...lam mo kung ano mahirap hanapin?... ung taong "DESERVING"...
*lahat cla undeserving wahahaha*

Thursday, June 30, 2011

Pinay Henyo

Ate:  Babae?
Ateng: HINDI!

Ate: Lalake?
Ateng: OO *naman tinatanong pa*

---------------
*Muntinlupa ang pinapahulaan*

Ate: NCR?
Ateng: OO

Ate: Manila? Makati? Valenzuela? blah blah
Ateng: hinde, hinde hinde hinde

Ate: Mandaluyong?:
Ateng: OO

Ate: Mandaluyong???
Ateng: OO!!!

Ate: Mandaluyong!
Ateng: OO!!!!!

Ate: Mandaluyong!!! *nga*

kulet naman kc ni Ateng!
--------

Kuya:  Gamit sa bahay?
Kuyang: OO!
Kuya: sa Sala?
Kuyang: Hinde!
Kuya: Sa Kusina?
Kuyang: OO!!!

Kuya: Pinggan, kutsara tinidor, ganon
Kuyang: hinde! hinde! hinde!

Kuya: Kutsara, pinggan, ganyan
Kuyang: hinde! hinde! hinde!

Kuya: sa kusina, sa kusina, Tinidor? pinggan? kutsara?
Kuyang: Hinde!!!!

*sa pa tong c koya ang kulet!!!*