Wednesday, September 7, 2005

Heal the world

#Heal the world make it a better place



for you and for me and the enire human race...#



walaw! d na sya mawala sa kukote ko hahaha



Pero kun nanamnamin mo tlga, grabe tagus-tagusan tlga sa puso ang kanta, punong-puno ng pag-asa!  Sana nga maghilom ang mundo lalo na ang ating inang bayan na wari ay sinasakluban na ng kawalang pag-asa.  Minsan nakakatakot ngang isipin kung meron pang magandang kinabukasan naghihintay sa mga kabataan.  Tuwing mapapanood ko ang bantay bata, nagdurugo ang puso ko, pati ang mga sinalaysay na kuwento ng Kontrobersyal sa karimarimarim na pang-aabuso sa mga kabataan, mapa-prostitusyon, pornography etc. etc.  Sarap isipin na may magandang ending ang buhay ng mga batang ito gaya ng mga bida sa Mga Anghel na Walang Langit.  Sana nga isang palabas lang ang lahat...sana.



#Heal the world



make it a better place



for you and for me



and the enire human race...#