Monday, August 1, 2011

Bakit nga ba?

wala ako sa mood magtrabaho  kaya sinubukan kong linisin ang yahoo inbox ko, syempre binalikan ang mga  nakalipas at eto ang isa sa mga nahalukay ko
--------
BAKIT "SINGLE" ANG STATUS MO

Kaya heto ako at sasabihin ko sa inyo ang ilang mga rason kung bakit.

11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para
pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayannn... kapapanood
nyo ng
"Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa
kanila
such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is
useless.

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging
kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi
lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw,
gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama
mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa
panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling
ka pero deadma parin yang stunts mo sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba
talaga kuya?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung
tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6
hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call
center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na
niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan
para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special
friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang
mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship
na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata,
kunyari happy sya for friendship. ABA! Oi lakasan mo ang loob at baka
mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho
kayong naghihintayan. . hmmp!

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang
nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng
mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa
noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na lang
basta no strings attached. For fun lang daw... Walang halong seryosohan. ABA
hoy! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka
rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang
nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap.
Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung
amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka,
nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin
na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o
kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang
ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon
para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time
mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang
ng sugod.

3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o
pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw
ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin
ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na
nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo.
Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa
ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil
sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na
ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman
iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!, ano pa ba?
Madami yan wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears heheh
Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo. Ibat iba ang lasa ng
pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba mapalad
ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya ikaw, Do not be afraid to
fall in love again malay mo sweetness na ang malasahan mo next time. E
di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo! Yan ang bumubuhay sayo,
ang pag-ibig. tsk! drama!

1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May
ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin
makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat
ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't
isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him/her na, pero
pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the
past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang
nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa
ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX.
Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero
open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain
someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give yourself a KITKAT, take a
break.

Thursday, July 21, 2011

Deserving

Sa dami ng tao sa mundo, ndi mahirap humanap ng taong pwedeng mahalin...lam mo kung ano mahirap hanapin?... ung taong "DESERVING"...
*lahat cla undeserving wahahaha*

Thursday, June 30, 2011

Pinay Henyo

Ate:  Babae?
Ateng: HINDI!

Ate: Lalake?
Ateng: OO *naman tinatanong pa*

---------------
*Muntinlupa ang pinapahulaan*

Ate: NCR?
Ateng: OO

Ate: Manila? Makati? Valenzuela? blah blah
Ateng: hinde, hinde hinde hinde

Ate: Mandaluyong?:
Ateng: OO

Ate: Mandaluyong???
Ateng: OO!!!

Ate: Mandaluyong!
Ateng: OO!!!!!

Ate: Mandaluyong!!! *nga*

kulet naman kc ni Ateng!
--------

Kuya:  Gamit sa bahay?
Kuyang: OO!
Kuya: sa Sala?
Kuyang: Hinde!
Kuya: Sa Kusina?
Kuyang: OO!!!

Kuya: Pinggan, kutsara tinidor, ganon
Kuyang: hinde! hinde! hinde!

Kuya: Kutsara, pinggan, ganyan
Kuyang: hinde! hinde! hinde!

Kuya: sa kusina, sa kusina, Tinidor? pinggan? kutsara?
Kuyang: Hinde!!!!

*sa pa tong c koya ang kulet!!!*

Friday, June 10, 2011

Surprays

"Do not give up. Do what you can. And let God surprise you."

... Lord nerbyosa po ko, wag masyadong kagulat gulat :D

TGIF!!!

Wednesday, March 23, 2011

Sweet ah

Normal na sa araw-araw sa opisina ang ma-hayblad ako
pero me mga times din naman na katawa-tawa na lng ang mga kaganapan

Inabot na naman ng buwan, ndi lang linggo huh! ang pakiusap ko na tuunan naman ng pansin ang kahilingan ko
simple lang na hiling na gawain naman tlga ng isang Database Administrator
add new user, create an email address, assign the access control and encode in the database
ang pangalan ng user e Hani Prianti
dahil amo-amuhan c admin guy, pinasa lang sa alipin nya c helpdesk guy, na syempre abala din sa maraming bagay
tadtarin mo ng email dedma lng cla, tawagan mo, puro oo lng cla...dahil nagrereklamo na ang user at ako ang sumasalo...tinutukan ko na
conversation over the phone
me-> Hey, are you busy?
helpdesk guy-> Yes I'm attending to a user, why?
me->OK once you're done please come over to my area *d2 pa lng parang iba na ang dating hahaha*
helpdesk guy->OK sure, once I'm done I'll come over

makalipas ang ilang oras, nawala na nga sa isip ko at abala na din ako sa aking ginagawa  biglant lapit c helpdesk guy
helpdesk guy -> Hey!
napalingon ako at ewan kun bat eto lang ang nasambit ko
me->Hani!  *as in exclamaition point wahahaha*
natulala c mokong at d makasalita
helpdesk guy-> ahh...sweet ah
dun ko na lng narealize na iba pala ang pagkaintindi nya, Honey na ba tawag ko sa kanya wahahahaha
napahalakhak ako d ko napigilan e
me-> I mean about Hani Prianti... blah blah * sabay tawa ulit *
helpdesk guy-> oh OK, I'll do it *seryus at medyo na-embarrass sabay karipas ng takbo*
ako tawa pa rin wahahaha

un lng *bow*

Thursday, March 10, 2011

Ibibigay lahat lahat

"Maraming mukha ang pag-ibig. Ito ang pinili ko. Ibibigay ang lahat-lahat."

d nga?  ganun ata tlaga pag inlababo, para bang ikamamatay mo na pag na-broken hearted ka
well hello, eto ka pa din humihinga, inhale exhale

tuloy lang ang buhay... kaya for sure me natira pa ndi lahat naibigay, echos!

Thursday, March 3, 2011

What is Tsisi Tarsdi ?

San nga ba nagsimula ito

Isang araw me mga Pinoy/Pinay na nagpapaalipin sa ibang bayan, mga nabato sa opis kaya naisipan gumawa ng tsatrum na kun tawagin e tambayan.  Kun wala kang magawa at walang makausap tambay ka lng dun at siguradong malilibang ka na at isa ka nang miyembro ng mga jologz.  Sari saring eksena sa loob ng rum, me kunwaring drama-dramahan, trivia games, joke time, kwentuhan seryus, tungkol sa "love" or ket anong topic na maispan.  Dahil jan dineklara ni abiik ang pinka-tsisi naming kaibigan ang araw ng Huwebes. Kun saan malaya kang magpakalunod sa katsisihan hehehe kanta, quotes, tanong, kuro kuro o kun ano pa man.... kaya kun me Lovenotes c  Joe d Mango every Friday meron naman kaming Tsisi Tarsdi every Tarsdi (Thursday/Huwebes).
Ang saya dba?  aminin man natin o hindi bawat isa sa tin lalake babae or in between ay me angking kakornihan pag puso na ang pinag-usapan.

Tsisi Peborits

Haler!   *kunwari me audience ang sinasapot na blog na itetch*

Eto na eto na ang mga paborito nating pampakilig, pang-emote at pang - ngiti sa ating mga Tsisi Tarsdi!
*not originally mine, napulot lng kun san san hehehe*

Don't forget every Thursday mga kapuso, kapamilya, kapatid, at kabisyo!
-----

Kun dictionary ka sigurado kahit saang page mo tingnan hindi mo ako mahahanap...
Wala naman kasi akong meaning sayo! *aray ko po*
Puso ko parang salamin, ilang beses mo man basagin pag tiningnan mo nandun kapa din ...

Kapag feeling mo may kulang sa buhay mo...Isipin mong mabuti kung ano...baka...AKO na yon...

Huwag kang matakot kapag may kumuhang malaking lalaki sa yo, at pinasok ka sa sako…. si SANTA CLAUS yun…. ikaw kasi gusto ko regalo ngayong Pasko….

Di ka ba napapagod kasi takbo ka ng takbo sa isip ko

Pwede mo ba ako samahan? san? samahan HABANGBUHAY. :p

if i were to rearrange the alphabets, i would put “U” and “I” together.:)

Pwede ba ktia abutin ? ikaw kasi pangarap ko e’ .. hehe ..

Keyboard k b? type kasi kita!

Hala, akala ko umaga na ! Lumiliwanag kasi mundo ko pag kasama kita ..

Hindi tayo TAO. . BAGAY tayo. . BAGAY na BAGAY!

Loner ka ba?? nagiisa ka lng kc sa puso ko.. hahaa!!

Sana ulan ka at lupa ako, para kung ayaw mo’t sa gusto, sakin ang bagsak mo… ”

Tumatangkad ka ah! Dati hanggang dito ka lang, ngayon nasa isip na kita.’

Ikaw naman parang lumiliit ata! Dati kasi lagpas ulo kita, ngayon nasa puso na kita.’ ?

Magnanakaw ka noh?bkit?ninakaw mo puso ko…:))

Kapag ako may tindahan, lahat ng tao bebentahan ko ng mura, sayo lang hindi, dahil sayo lang ako magmamahal…

Mahilig ka ba magluto na pancit canton? Kasi pag kasama kita, feeling ko, “LUCKY ME.” …..

Papupulis kita..ninakaw mo kasi ang puso ko.

Magsalbabida ka nga, kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko..

Ibenta niyo na lang bahay niyo, libre ka naman tumira sa puso ko. *naks*

You may fall from the sky, you may fall from a tree, but the best way to fall is ... to fall in love with me.

Araw-araw nag-iisip ako, bat pa ko gumigising, bat humihinga, nkakaramdam, ngumingiti, natutuwa, bakit masarap mbuhay.. tapos naisip kita.. "ah.. kaya pala.."

Bukas sisingilin na kita sa renta mo ha kasi ang tagal mo ng naninirahan dito sa puso ko e

Gutom ka ba? Tara , bubusugin kita sa pagmamahal ko.

ansarap mgjoke kahit nahihirapan ka, ansarap magsaya kahit d mo na kaya, ganyan pag broken hearted db?...pati sarili mo..pinaplastik mo na!...nyahahaha aminin!

Mag-impake ka na, pupunta tayo sa home for the Aged... coz I wanna grow old with you."

"Pwede bang ikaw nalang ang driver ko? ... coz your driving me crazy"

Para kang TABLE OF CONTENTS dahil ikaw ang topic ng bawat pahina ng buhay ko.

Alarm clock ka ba? ginising mo kasi ang natutulog kong puso.

Can you recommend a good bank where i can make a deposit? Kasi...Im planning to save all my love for you...

what if someone longs for you patiently?
What if someone cares for you secretly?
What if someone misses you terribly?
What if someone loves you deeply?
Hay, kung alam mo lang na ako si "Someone"... *uyyyy dami nakakarelate*

"iced tea dapat 'yan pero di ko pinalagyan ng yelo. dapat sa 'yo mainit. masyado nang malamig ang puso mo."