Friday, February 10, 2006

Wait lang

"Buti yan wala kang responsibilidad, mag-enjoy ka!", madalas kong
maririnig. Hindi ko alam kun pinapalubag ang loob ko o sadyang masarap nga
ang maging malaya. "Masyado ka kasing mapili, pihikan..., wala bang
umaalialigid sa iyo?" ....

Di ako kagandahan pero meron din mangilan- ngilan
nasilaw sa kakaiba kong katangian.
Pero ang puso ko'y sadyang di maturuan
umibig sa kung sino ang nandyan lang.
Walang music, walang sparkle, walang magic,
walang arrive kaya wag na lang
baka siya pa'y aking iwan pag dumating na
ang sa akin ay sadyang nakalaan. yebah!



*alang kokontra*