Monday, June 29, 2009

Eulogy

I've been busy taking care of my mother's wake and burial and of friends and family visiting the wake that I am too exhausted to grieve. It was only on the last day of the wake that it sank on me that Mama is no longer with us. Though I've prepared myself for this since she was first diagnosed with her illness, I guess there is no such this as preparation when the final moment comes. The sadness is overwhelming, I miss her so much. It was my brother who delivered the eulogy as I can't compose myself to even utter a word.
This could have been my eulogy...
Una po sa lahat ang taos puso po naming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa amin mula pa nang magkasakit si Mama hanggang sa kanyang mga huling sandali. Marami po nagsasabi na survivor si Mama, totoo po iyon sa dami ng kanyang pinagdaanan na sakit makailang beses pong halos nasa bingit na sya. Last December po na magsimula ang pinakacritical na karamdaman nya, biglaan po at di namin inaasahan na halos wala na syang makilala ni isa sa amin. With God's grace and the prayers from our family and friends pinagkalooban pa po sya ng panibagong lakas para paglabanan ang kanyang karamdaman. Minsang nakakwentuhan ko po sya tungkol sa mga nangyari na di nya matandaan, napaluha po sya at sabay sabing "marami palang nagmamahal sa akin", oo naman ang sagot ko po sa kanya. Simula po noon ano mang sakit ng katawan o hirap sa pagkain ay pilit nyang nilalabanan para sa mga nagmamahal sa kanya. Pero napapadalas na po talaga ang mga daing nya, minsan po isang gabi na ako ang nagbantay ay di po sya mapakali, masakit daw po ulo nya, likod nya, tyan, binti basta daw po buong katawan, pag kaganito po ay minamasahe namin sya para maibsan ang sakit, habang minamasahe ko po sya ay bigla nya na lang po nyang tinaas ang kanyang mga braso, sabi ko bakit po Ma?, "yakapin mo ko", tulo po ang luha ko habang mahigpit ko syang niyakap, para bang lahat ng sakit ay mawawala sa yakap kong yon. Nang gabing yon, masakit po man sa aking kalooban ay itinaas ko na po ang buhay nya sa Diyos. Labis labis po ang aking pasasalamat sa Diyos at binigyan pa kami ng pagkakataon na makapiling pa sya ng mahigit anim na buwan . She finally found peace and was laid to rest. Isa po syang mabuting ina, asawa, anak, kapatid,at kaibigan... masayahin, mataray at palaban pero naguumapaw po sa pagmamahal. We'll miss you Ma and we will always love you.