Thursday, August 31, 2006

Just another day

You ever come across a person you never met and spoke for about a few minutes and then boom! He/she just pisses you off!  I guess most of my IT colleagues could relate to this situation.  Back home, I can say most of my users were quite pleased with what I do and eventually became close friends of mine.  But working abroad is a totally different thing; first and foremost just imagine the communication gap. With our differences in the accent itself, not to mention the practice of phone etiquette and the voice tone, a telephone conversation could definitely lead to misunderstanding.  Just recently I called one user who insists she created documents in a database that went missing.  Though I’m trying my very best to find out what happened, she was raising her voice and blabbering as if it was my fault.  What’s more irritating is her ignorance in the chronological sorting of documents, that is  “Test Doc Feb 2006” should come before “Test Doc Apr 2006” duh!



I spent almost 15 minutes just trying to explain to her that this could never happen since it was just plain text so it is sorted alphabetically and not chronologically.  To top it all, she just shrugged it off and said it’s not that important, duh! *ulet lng*, matapos akong ma-highblood bruha ka! ahihihi Well anyways, I don’t want to add anymore wrinkles to my exotic face *nyahahaha* so I just begged off and asked her to just discuss her problem with the IT head. Ayun naman pala! harharhar

Tuesday, August 22, 2006

Puting buhok

Puting buhok



(kapag may katwiran ipaglaban mo!)





Kakabasa ko lng ng email noon galing sa isang kaibigan, kwento kwento lng ng buhay buhay.  Medyo makati ang bumbunan ko nun, d naman dandruff kc nagamit na ako ng  selsun blue kun din man un apple cider vinegar (mabisa pero syempre buhok mo’y amoy suka ahihihi)





Anyway nagpunta ko sa toilet, gaya ng nakagawian d naman maalis na tumitig sa salamin at ayusin ng bahagya ang gulo-gulo kong buhok.  At dun na nga ako nagulantang, ndi isa ndi dalwa may lima atang bumulagang puting buhok sa aking bumbunan na dali-dali ko naman binunot dala ng panic.  Syempre d ko pa matanggap na tinutubuan na ko ng puting buhok.  Hmmm dala ata ito ng stress sa mga bagay-bagay at kaganapan sa buhay ko.  Hayaan nyong ibahagi ko ang munting kwento sa likod ng aking mga puting buhok…





Di na iba sa gaya kong OFW d2 sa Sg ang magpalipat-lipat ng tirahan, may 8 o 9 na ata kong natirahan sa mahigit 5 taon kong pamamalagi d2 sa Singapore.  May condo, HDB, apartment, at sa likod ng bawat tirahang yaon ang kwento ng aking buhay.  Pero itong huli ang syang nagbigay sakin ng malaking dagok at katakut-takot na sama ng loob.  Sa simula pa lng ay urong-sulong na ako sa kadahilanang sobrang mahal ng renta dagdag pa don na unfurnished (semi-furnished daw sabi ng kasera dahil me naagnas na sofa at binarnisang dining table).  Mantakin mo na lng ang gastos sa pagbili ng kama, ref at  washing machine.  Laking gulat ko pa nang malaman ko sa mismong araw ng piramahan na binebenta pala ng may-ari ang unit.  Sa salita ng may-ari at ahente na kasama sa bentahan ang tenancy agreement kun sakaling mabenta, ayun at natuloy din ang makasyasayang lagdaan.





Lumipas ang 5 buwan at eto na nga ang kinakaba kong magaganap.  Nabenta na ang unit, ngunit ang masaklap ayaw ng panibagong may-ari ng  tenants.  Sa maikling salita kailangan naming lisanin ang unit sa loob lamang ng isang buwan na agad ko naming ikinalumo.  Mantakin mo na lng ang gastos at hirap sa paglilipat, dagdag pa dun ang gahol na panahon sa paghahanap ng bagong malilipatan dala ng nakakabalisawsaw kong bagong trabaho (ibang kwento na to bwehehehe).   Di ko alam kung ano ang aming karapatan.  Mapalabok ang pagkahaba-habang kontrata na lalo lng nagpapagulo sa magulo ko nang isipan.  Sinangguni ko ito sa aming ahente na kahit nanindigang hindi kami dapat palayasin ay di naman kami nagawang  tulungang kausapin ang may-ari.  Katakut-takot ang pakiusap ko sa may-ari kahit ang loob ko ay punong puno na ng galit at sama ng loob.  Humihingi ako ng kaukulang danyos kahit un agent’s fee lang sana  kun di man ay bigyan kami ng dalawang buwang palugit.  Ganang akin ay sapat na panahon para makalingap ng pera at makahanap ng matiwasay na malilipatan.  Ngunit sadyang matigas ang kalooban ng aming kasera, tutulungan na lng daw kami ng kanilang ahente sa paghahanap ng malilipatan.  Wala kaming nagawa kundi sundin ang gusto nila.  Di rin kami napagtyagaan hanapan ng kanilang ahente maging ng aming ahente.  Sa kahulihan kami din ang nagsumikap humanap ng malilipatan.  Sa bawat hirap na aming dinaranas sa paghahanap, unti-unting nilalamon ng galit ang puso ko.  Mas lalo pang nanaig ang poot sa aking dibdib nang malaman kong walang Starhub sa aming bagong lilipatan.  Paano na ang TFC at internet ko?  *Gudbye PBB*  Wala akong nagawa kundi kanselahin ang kontrata sa Starhub at magbayad ng kaukulang penalty.  Yaon ang nagbunsog sa kin upang lalong ilaban ang aming karapatan.   Maraming kaibigang sumuporta at tumulong upang mabigyang liwanag kung kami nga ba ay may karapatang lumaban sa may-ari.  Sumangguni kami sa isang kaibigang abogada na agad kaming tinulungan.  Di ko iindahin kung sakaling ako ay  matalo, ang mahalaga ay ipaglaban ang aking karapatan. *orayt*  Ngayon nga makalipas ang dalawang buwan, nakuha naming ang ganang amin.. WAGI!  Kaakibat ng tagumpay na yun ang paniwalang kapag may katwiran ipaglaban mo!  Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa mga kababayan kong namamalagi din dito sa Singapore. 





Humarap ako sa salamin kanina, inusisa ko ang aking bumbunan, clear! Ala na ang mga puting buhok. =)