Haler friendsters namiss nyo ba ko? Pansin nyo puro part 1 lang mga kwento ko hahaha
Mag-8 years na ko dito sa Singapore at pang walong tirahan na din itong tinutuluyan ko. Sa bawat tirahan aking natuluyan, sari-saring kwento ang kaakibat, karamihan ay masasaya, meron ding super kakalerkei, , dun sa mga nakakarelate, naalala nyo ba ang kuwento ng patay na daga? ahihihi, anjan din ang kakunsumi-kunsumi (ang kuwento ng puting buhok), meron ding tampuhan, awayan, iwanan, balikan at layasan chorva (that's another story na d na dapat ungkatin pa) at meron din nakakatakot (ang mga kuwento from the beyond).
Gusto ko munang sariwain ang unang tapak ko sa Fine City. Masayang nakakaloka at malungkot na megadrama ang unang mga kabanata...
Imagine 3 beses delayed ang flight ko, mga 8PM e tumawag pa ko kina mader at pader, buong akala nila nasa SG na ko. Susme nag-mamajong at nagtotong-its na sila habang ako ay maloka lokang nasa airport pa din. Sabi ko sa sarili ko isang delay na lng d na ko tutuloy baka ikako it's a sign, naks! Sa wakas natuloy din after a few Jollibee meals (un lng ang kayang ibigay ng PAL matapos kaming pag-antayin ), madaling araw na ako nakatapak ng SG. Lekat kamahal pala ng taxi pag ganun oras. Siste pa nito un mga sumundo saken (you know hu u are guys and girlaluh?!?) e mas intersado pa sa Jollibee na dala dala ko, ang mas masakit pa nito e sa bundok ata ng tralala cla nakatira, dun sa makasaysayang Normanton Park (NP). Punong puno ng pinoy dun kaya punong-puno din ng intriga nyahahhaha kun ano mga yan syer nyo yan nyahahahaha
Dahil nga katatapos lng ng Pasko nun mega-cry ako tlga ket puro boylets ang kasama ko sa room. Kinaumagahan mega-kapit pa ko sa grills ng bintana habang tulo ang luha ko (parang c ate Shawie dun sa Bukas luluhod ang mga tala)
Eto isa pang eksena...
First mass ko sa SG sa Holy Spirit, montek na kong magbreakdown nun kinanta ang Ama Namin (Tagalog mass pa un) buti na lng anjan ang mga boylets para alalayan ako. Pero nahimasmasan naman ako agad kc pinagtitinginan na nila ko sayang naman ang byuti ko baka mabansagan akong emotera, hmmm why not carry ko naman.
Nasundan pa ang mga eksenang ganyan dahil nga first time kong mawalay sa poder ng aking mahal na ina at sa napakalayong lugar pa ko napadpad. Most of us, if not all of us have our own nakakalungkot na kwento about our first time here in SG bahala na kayo magkwento ng sarili nyo nyahahhaha
Makalipas ang ilang linggo dumating na ang payday, nagbago na ang ihip ng hangin, iba tlga nagagawa ng pera! Me pangdeposit na sa bagong tirahan kaya ayun at lipat naman ang byuti ko sa Bendemeer, may boylets din kaming kasama dun na nagpi-feeling binata kaya linggo-linggo gimik sa HardRock ang tropa. First time kong malasing sa SG, nagising na lng ako ng madaling araw na namimilipit sa sakit ng tyan. Lahat ata ng kinain ko mula kamakalawa ay nilabas ko, halos kahandusay na ang byuti ko sa sahig pero walang kamalay malay ang mga kabahay ko na lango din gaya ko. Nang nahimasmasan ako e nilinis ko ang crime scene para alang ibidens nyahhahaha and I vowed never to get drunk again o ha! *echos*
Naranasan ko na din ang makalampas ng baba sa bus stop, nakarating ako sa teritoryo ng mga anaps sa Serangoon, gosh sandamakmak ang uwak sa paligid na putak nang putak na parang any moment ay pagpepyestahan nila ako, but I got home safe that night kahit na halos hubaran ako ng tingin ng mga anaps na nakatambay sa bus stop. Me asim pa ko nun pwamis.
Sabi nila d bumabaha sa Singapore, pero maniniwala ba kayong bumaha sa flat namin, trully walang halong eklat. Naiwanan bukas ang aircon sa sala na matindi pa sa shower ang buga ng tubig, kaya kinagabihan ang buong sala e bahang baha, syempre majoray ang lola nyo kaya kun sino un nakaiwan ng aircon (d boylets) ang pinaglimas ko ng tubig nyahahaha
Eto ang isang importanteng aspeto sa paninirahan na ndi dapat ipagwalang bahala, yan ay ang pagtira sa hindi-approved na HDB. Hindi approved parentahan kung hindi kasamang titira ang may-ari, pero marami pa din dito ang tumutuloy sa ganyan, sabi nga nila lakasan lang ng loob wag lang kayong mamalasin kasi bawal po tlga yan mga prenjies. Maraming kautangan ang may-ari ng bahay kaya samot saring threat na kesyo ise-sheriff ang bahay at kun anu ano pa ang natatanggap naming sulat, kaya natakot ang byuti ko, baka masumbong nga na ndi aprub at baka nga masheriff ang household kaya eskapo ulit ang byuti ko at balik sa NP.
hanggang dito na lang muna at abangan ang mga sumunod na eksena sa aking pagbabalik sa NP
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete