Monday, June 18, 2007

Bitchy me

June 15, 2007, 5:39PM



Okay guilty na kun guilty pero pinanindigan ko na to, eto kc anaps na kaopismeyt ko super angas.  Nun nasa admin pa ko kun makautos at magpasa sya ng trabaho ganun-ganun na lang! Natarayan ko na sya minsan sa phone kaya medyo kumalma ng kaunti.  Ngayon magkasama na kami sa team, lekat na hitad e wala palang binatbat to sa Lotus Notes nyahahaha.  Chinika nya muna ko kun developer daw ba tlga ko or admin sabi ko mahigit 10 taon na ko sa LN, *o e sino ngayon ang mas maangas aber nyahahahaha*  Medyo nagitla cguro at  chinika chika pa rin ako.  Ewan ko d ko tlga sya feel!  Last week meron pinagawa sa kanya ang HR na isang malaking kalokohan para saken.  Bakit kamo?  Tatlong worksheet sa Excel na me sandamakamak na  rows ang pinagawan sa kanya ng bar graph, isa, isa kada row.  Panay ang kwento nya na matrabaho daw un pero wala syang nagawa kasi utos ng mga diyos diyosan.  Eto pa ang nakakatawa, eto e ayon sa pagkakarinig ko habang chinichika nya sa kapwa nya anaps.  Sinabi nya sa HR na average 2-3 minutes kada row daw kaya bago matapos un aabutin daw ng ilang araw o baka isang linggo pa dahil hindi lng naman un ang trabaho nya. Kasagot sagot ng mataray na dyosa ng HR, "I don't care how long it takes I'm willing to wait" o ha! laban ka dun nyahahahaha pigil na pigil ang tawa ko nun narinig ko un.
Isang araw d na cguro nakatiis ang hitad at nagsabi na sa namumunong anaps na kelangan daw nya ng tulong. At un na nga at nadamay ang isang inosenteng katulad ko.  Uwian na nun at sabi ng pinuno e i-explain daw saken kinabukasan, ang buset na anaps d na nagpabukas ket ilang minuto na lng ay uwian na. Blah blah blah, d ko na naintindihan kun pano nya ginawa ang lintek na bar graph, tango lng naman ako ng tango.  Ala pang isang minuto pinasa na nya saken ang isa sa mga worksheet.  Nagulantang ako dahil nga d ko sukat akalain na ganun nga kadami, kulang kulang 400 rows! Sa sandaling un gusto ko nang ipalupot ang suot nyang balabal sa leeg nya. nyahahahaha pwamis!  So kinabukasan inusisa ko un worksheet, e syongak pala sya, pede pala copy paste na lng ng graph at palitan lng ang source data kesa manu manuhin nyang gawan ng graph isa isa.  Sa isip-isip ko sisindakin ko to at tatapusin ko ng mabilis, pero on second thought baka pasahan pa kong worksheet pag natapos ko agad.  Ket ba copy paste lng un madami dami din un at syempre kelangan pantay pantay sa cell kaya medyo matrabaho pa din.  #$%#$%@$@% anaps! Ilang oras pa lng ang nakakalipas, kun tapos ko na daw ba,  inexpect nya atang nagOT ako nun gabi para sa lintek na un. Ano sya hilo!  Sa inis ko sinagot ko sya, alam mo bang 400 rows to? ha? ha? Siste pa nito telebabad sya buong umaga! *absent kc un pinunong anaps* Sabi ko na lng ibibigay ko sa kanya sa hapon. Copy paste, pantay -pantay, panaka-nakang surf sa internet, at pachika-chika sa phone, *ang lagay sya lng*, ganun ang halos maghapon ko. Panay ang sulyap ng hitad na anaps tuwing nasa telepono ako.  Bandang alas-tres isang row na lng at tapos ko na, pero dahil nga bitchy ako sinadya kong d tapusin. Inisip ko kc pag tinanong ako ng hitad kun tapos ko na syempre I can honestly say na ndi pa mwahahahha.
So ayun surf surf sa internet at telebabad ako sa phone.  Mag alas-singko na kaya habang nasa phone ako ay tinapos ko na ang huling row at ni-send sa hitad na anaps bago ko ibaba ang telepono. Galing ng ESP ko, sakto pag baba ko ng phone nagtanong agad ang hitad kun tapos ko na daw ba, haler! nasend ko na sa iyo hitad ka! *well d nmn ganun pagkakasabi ko nyahahaha* Ayun supalpal na nmn sya mwahahaha
Nag-absent ang hitad for 2 days *kesyo sumakit daw ulo at batok nya dahil dun* at ngayon ngang TGIF e d nya pa rin tapos,e pano mina-mano nya tlaga.  Kita mong pangangalaga nya sa pride nya ni indi nya ko tinanong kum baket ang bilis ko, tena tlgang anaps yun!  kainin mo yang pride mo at d ko sasabihin na copy paste lng yan hitad ka! mwahahaha



FYI - Lunes na ngayon un pa din ginagawa nya har har har!



#I'm a bitch, I'm a lover
I'm a child, I'm a mother
I'm a sinner, I'm a saint
I do not feel ashamed
I'm your hell, I'm your dream
I'm nothing in between
You know you wouldn't want it any other way#

1 comment:

  1. bitchy mo nga mare pero w/ a style hehehe.... nice one gurl!!!!

    ReplyDelete