Thursday, June 7, 2007

Cappuccino

Maiinit ang ulo ng mga tao kaninang umaga.



Scene 1- sa pantry



Nagtitimpla ako ng cappuccino *pinaghalong milo at nescafe* sa pantry nang may pumasok na girlaluh, katitig saken take note titig, dedma lang ako, habang nagbubuhos sya ng mainit na tubig sa kanyang mug pasulyap sulyap sya saken *ngayon lng ata nakakita ng magandang nilalang nyahahaha* , tinitigan ko ang girlaluh, ayun at tumungo din sya sabay exit ng pantry *sa isip isip ko mapaso ka sana nyahaha bad bad girl*



Scene 2 - sa pantry pa din



Habang tinitikman ko ang cappuccino me pumasok na naman na girlaluh, derederecho sa lababo, tumambad sa kanya ang kutsara sa may lababo, nakita ko na un pati mga nagkalat na baso, dedma lng ako kc bago lng ako dun at malay ko ba kun cnong impakta nag-iwan nun para pag-aksayahan kong ayusin o hugasanang mga yun. Kasimangot na sya at pasulyap sulyap na me binubulong bulong habang panay ang higop ko sa cappuccino na d ko mahuli-huli ang lasa. War freak ako kaya sinita ko sya kung ano un pinagsasabi nya, alam ko nang ako pinagbibintangan nya.



me-> "I'm sorry?" *habang kakunot ang noo ko*



girlaluh-> "blah blah blah spoon" *un lng naintindihan ko un spoon"



me-> "I'm not the one" *ala matrix nyahahaha pero kasmile ako orocan style*



girlaluh-> "oh, i thought ... blah blah blah"



me-> "letchers!" *well sa isip isip ko lng to hahaha*



exit ako sabay higop pa din sa aking cappuccino



Scene 3 - sa MIS room



Panay ang kuliling ng telepono ng isang girlaluh, dedma lng sya, cguro busy o ala sa mood sagutin. Paghintong-paghinto ng kuliling, entra c lola *sekretarya ni bosing na me edad na na nakapwesto lng sa katapat na room*



lola-> "hey, next time when your phone rings pick it up ok!" *mabigat ang tono na parang gustong sabunutan ang girlaluh, sya pala un tumatawag*



girlaluh->"oh, ok" *nagulantang ang hitad dahil nadinig ng madlang pipol sa apat na sulok ng maliit na MIS room ang tinuran ni lola*



exit c lola *back to work (read: magupdate ng blog) ang mga usi na kagaya ko*

1 comment:

  1. hahaha... mare! panalo talaga tong blog mo!!! as in.. hating gabi na tawa pa ko ng tawa dito sa kinauupuan ko...

    hehehe coolness talaga to!
    musta na ba?!

    ReplyDelete